Naaresto na ng National Bureau of Investigation o NBI si Dong Yi Shen mas kilala bilang Kenneth Dong.
Si Dong ang itinuturong mediator/facilitator ng napuslit na P6.4-B shipment na sinalakay ng NBI-Anti Organized Transnational Crime Division at Bureau of Customs o BOC sa Valenzuela noong May 2017.
Naaresto si Dong ng NBI-AOTCD Operatives alas-2 ng hapon kanina sa Lot 87, Block 12, Phase 2, Katarungan Village, Muntinlupa City.
Ayon Kay Atty. Joel Tovera, hepe ng NBI-AOTCD, isinagawa ang pagdakip sa bisa ng alias warrant of arrest na inisyu ni Judge Rainelda H. Estacio-Montesa ng Regional Trial Court Branch 46 ng Maynila dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.