Ikinakasa na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP ang kasong paglabag sa Food and Drug Administration act of 2009 laban sa isang Chinese national.
Ito’y matapos maaresto ang isang Yan Wang sa ikinasang buy bust operation sa Parañaque City dahil sa pagbebenta gayundin ay pamamahagi ng Chinese brand medicines, medical supplies at mga kagamitan.
Ginawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PNP CIDG anti-transnational crimes unit at mga kinatawan mula sa Food and Drug Administration (FDA) sa isang medical clinic at store sa Branco Avenue.
Nakuha mula sa nasabing lugar ang iba’t-ibang klase ng Chinese medicines at mga medical supplies na mayroong Chinese markings.