Mariing itinanggi ng isang Chinese National na nanuhol ito upang makatakas sa Bureau of Immigration sa Club Fontana Casino sa Clark, Pampanga.
Sa pagbabalik ng 24 na taong gulang na si Liang Kun noong Biyernes sa Immigration, sinabi nitong umalis siya sa holding facility ng Fontana Convention Center noong Miyerkules upang maligo at magpahinga sa villa na kanyang tinitirhan malapit sa casino na aniya’y kanyang pinagtatrabahuhan.
Kabilang si Kun sa 1000 Chinese na dinakip ng mga otoridad sa nasabing casino noong November 24 dahil sa umano’y illegal online gaming business.
Ayon kay Kun, hindi ito tumakas at wala itong alam sa kinaroroonan ng mahigit 20 kapwa nito Chinese na umano’y tumakas at kasalukuyang pinaghahanap pa.
By: Avee Devierte