Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na nagtangka umanong tumakas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kinilala ang dayuhang Chinese na si Chen Yiye, 48-anyos na lilipad sana patungong China via China Southern Flight sa NAIA Terminal 1 nito lamang January 5.
Ayon kay BI Dennis Alcedo, head ng border control and intelligence unit, si Chen ay kasama sa blacklist ng ahensya na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad matapos maharap sa patong-patong na kaso.
Nabatid na noong 2017, nakuhanan ang dayuhan ng mahigit 37 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P100-M kung saan, nakatakda sana itong ipa-deport sa bansa pero mabilis na nakapagtago sa batas.
Sa ngayon, hawak na ng awtoridad si Chen na nahaharap sa kaukulang kaso.