Inaprubahan na ng Mandaluyong City Prosecutors Office ang rekomendasyong kasuhan ang babaeng Chinese na nagtapon ng taho sa isang pulis na nakatalaga sa Boni Station ng MRT.
Sa inquest resolution ni Senior Assitant Prosecutor Leynard Dumlao, inirekomenda nito ang pagsasamapa ng kasong paglabag sa Article 148 ng revised penal code o direct assault ang Chinese na si Zhang Jiale.
Iginiit ni Dumlao, maituturing na sinadya at seryosong pagsuway ang ginawang pagsaboy ng taho ni Zhang sa isang unipormadong opisyal na gumaganap lamang sa kanyang tungkulin.
Samantala, ibinasura naman ng Mandaluyong City Prosecutors Office ang iba pang reklamo laban sa Chinese national dahil nakapaloob na ang mga ito sa kasong direct assault.
Nag-ugat ang kaso matapos na sabuyan ng taho ng akusadong Chinese national ang pulis na si PO1 William Cristobal nang pigilan itong makapasok sa Boni Station ng MRT.