Nasakote ng National Bureau of Investigation ang isang Tsino sa Maynila sa pagbebenta umano ng COVID-19 vaccination slot sa halagang P18,000.
Kinilala ng NBI ang suspek na si Xiao Shio kilala rin na Feng Wang Qun.
Naaresto si Shi sa inilunsad na entrapment operation ng NBI-Anti-Fraud Division sa isang mall sa lungsod habang tumatanggap ng bayad na P5,000 mula sa isang biktima.
Nasabat din sa dayuhan ang COVID-19 vaccination identification cards na may mga pangalang Qun F. Wang, Cuiyin Lin at Wenjuan Yang.
Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang biktima na nagbayad ng P18,000 para sa slot ng first dose.
Batay sa imbestigasyon, nagpapakilala si Shi bilang miyembro ng Manila COVID-19 vaccination team at may mga koneksyon sa mga opisyal ng Barangay 239 sa Binondo. —sa panulat ni Drew Nacino