Nanguna ang mga Chinese sa mga turista na malimit lumabag sa mga panuntunan sa Boracay Island.
Batay sa datos ng Tourism Regulatory Enforcement Unit mula Enero hanggang Abril ng taong ito, mahigit sa 700 Chinese nationals ang pinagmula nila ng tig 2,500 dahil sa paglabag sa panuntunan tulad ng pagtatapon ng basura at paninigarilyo sa beach front.
Mga Korean ang pumangalawa sa dami ng paglabag sa mga panuntunan ng Boracay samantalang 92 lamang ang mga lokal na nahuling may paglabag.
Samantala, sa unang anibersaryo ng rehabilitasyon ng Boracay Island, inihayag ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na sisimulan na nilang busisiin ang pagdabi ng mga establisimiyento sa boracay na di umanoy pag-aari ng mga Chinese nationals.