Nangunguna ang mga Chinese national sa listahan ng mga dayuhang naaresto ng Bureau of Immigration o BI sa Pilipinas.
Batay sa tala ng BI nasa kabuuang 533 ang illegal aliens ang naaresto sa taong 2018.
Sa nasabing bilang, 393 ay chinese nationals na sinundan naman ng Koreano na 52 at 12 Amerikano.
Karamihan umano sa nilabag ng naturang mga dayuhan ay ang overstaying, illegal foreign vendors at ilegal na pagta-trabaho sa Pilipinas.
Samantala, bukod sa mga naarestong dayuhan, nakapagpa-deport din ang ahensya ng 611 dayuhan na lumabag sa immigration rules ng Pilipinas.