Nagkaroon ng simulated missile attack ang Chinese navy sa hindi matukoy na lugar sa South China Sea.
Ayon sa ulat, ang naturang military drill ay bahagi ng paghahanda para sa isang real life combat partikular ang pag atake mula sa himpapawid.
Gumamit di umano ng tatlong target drones ang China at pinalipad ito ng ship formation.
Una nang binatikos ng Amerika ang isinasagawang militarisasyon ng China sa naturang dako.
Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, nasa South China Sea ang presensya ng Amerika upang mapigilan ang China sa paglimita nito sa mga naglalayag sa naturang dako.