Nag-deploy ang Chinese navy ng dalawang missile attack craft para tugisin ang isang Pinoy vessel sa West Philippine Sea kahapon.
Ito ang umano’y kauna-unahang naitalang paggamit ng Chinese military vessels laban sa mga sibilyan simula nang lumutang ang kontrobersya sa West Philippine Sea.
Ang nasabing Pinoy civilian vessel ay naglalayag sa iba’t-ibang Bahura at Shoal sa WPS malapit sa mainland ng Palawan para makita kung saan lumipat ng lugar para mangisda ang mga Pinoy fishermen matapos dagsain ng mga barko ng China ang kanilang dating fishing grounds bukod pa sa itinayong artificial islands ng China sa lugar.