Maituturing na “security risk” sa mga Telecommunications Company at supply chain ang pagpasok ng ZTE bilang siyang Chinese Telco partner ng DITO Telecommunity.
Ito ang pinagtibay ng Federal Communications Commission (FCC) makaraang ibasura nito ang petisyon ng DITO TelCo na muling ikonsidera ang naunang desisyon nito.
Batay sa ginawang pagrepaso ng Homeland Security Bureau ng FCC, napatunayang walang batayan para ikonsiderang muli ang nauna nitong desisyon dahil hindi ito maaaring makinabang sa $8.3-B annual Universal Service Fund ng FCC.
Kinakailangang tumalima sa isang ban na nagbabawal sa mga kompanya sa Amerika na gamitin ang pera ng USF sa pagbili, pagmamantine, o pagsuporta sa anumang gamit o serbisyo mula sa ZTE o affiliates nito.
With today’s order, we are taking another important step in our ongoing efforts to protect U.S. communications networks from security risks,” wika ni FCC Chairman Ajit Pai sa isang statement noong Martes.
Iginiit naman ng Huawei at ZTE na wala silang dalang panganib sa telecom networks at kinuwestiyon ang FCC classifications.