Nakabalik na sa China ang Prime Minister nitong si Li Kequiang matapos ang kauna-unahang pagbisita nito sa Pilipinas.
Ito’y para dumalo sa ika-31 ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit gayundin ang kaniyang official visit sa bansa.
Bago umalis ang Chinese Premier dakong alas 12:00 ng tanghali kahapon, ginawaran muna ito ng full military honors sa terminal 2 ng NAIA o Ninoy Aquino International Airport.
Personal na inihatid ni DFA o Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano si Prime Minister Li hanggang sa pagsakay nito ng eroplano matapos ang seremoniya.