Posibleng Pilipinas ang unang bisitahin ni Chinese President Xi Jinping sa susunod na taon.
Ipinabatid ito ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na nag-kumpirmang darating din sa bansa si Chinese Premier Li Keqiang para sa isang official visit at para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Nobyembre.
Sinabi ni Zhao na panahon na upang si Xi naman ang magtungo sa Pilipinas dahil dalawang beses na halos nakabisita sa kanilang bansa ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasabay nito, pinawi ni Zhao ang mga pangamba kaugnay sa pagtatalaga ng Chinese navy at coast guard ships sa Sandy Cay na bahagi nang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Naresolba na aniya ito sa pamamagitan ng diplomatic channels.