Binisita ni Chinese President Xi Jinping, sa kauna unahang pagkakataon ang Wuhan City sa China na siyang sentro ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang nasabing pagbisita ng Pangulo ng China ay patunay nang ipinapakitang tiwala ng China sa paraan nito para kontrolin ang pagkalat ng sakit.
Batay sa pinakahuling tala pumapalo na sa halos 81,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong China kung saan nasa mahigit 67,000 ay nagmula sa Hubei Province samantalang mahigit 3,000 na ang nasawi sa nasabing sakit.
Ayon sa Xinhua state news agency nagtungo sa Wuhan si Xi para inspeksyunin ang epidemic prevention sa lugar.
Kinumusta rin ng chinese president ang medical workers, military officers, sundalo, community workers, mga otoridad, opisyal at volunteers na patuloy ang pakikipaglaban sa epidemya.