Hindi na tuloy ang state visit ni Chinese President Xi Jinping sa Japan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Chief cabinet secretary Yoshihide Suga, magaganap din ang pagbisita ng Chinese President sa tamang oras.
Ngunit sa ngayon kailangan muna ng dalawang bansa ang maging prayoridad ang pagtutok sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19.
Sa ngayon ay lumobo na sa mahigit 1,000 indibwal ang apektado ng COVID-19 sa Japan habang 80,000 kaso naman ang apektado nito sa China na siyang epicenter ng naturang sakit.