Dadalo si Chinese President Xi Jinping sa APEC Economic Leaders Meeting na gaganapin sa bansa sa susunod na linggo.
Kinumpirma ito ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang.
Ang kumpirmasyon ng pamahalaan ng Tsina ay alinsunod na rin sa imbitasyon ng Pilipinas hinggil sa APEC Summit.
Matagal nang inaantay ang nasabing kumpirmasyon pero sa kabila nito, inaasahan na ng Pilipinas ang pagdalo nito lalo’t wala naman silang natatanggap na formal notice o abiso na hindi ito darating.
Kasunod ng pagdalo ng Chinese President ang pagtalakay sa isyu ng pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
By Meann Tanbio | Allan Francisco