Binalaan ni Chinese President Xi Jinping ang Taiwan sa posibilidad na maharap ito sa pinakamatinding parusa na tinatawag na “punishment of history” dahil sa paghiwalay nito.
Kasunod ito ng hinala ng China na nais ni Taiwan President Tsai Ing-Wen na isulong ang kanilang pormal na kalayaan.
Kasabay pa nito, ang pagpirma ni US President Donald Trump sa batas na nagbibigay pahintulot na magpadala sila ng opisyal sa taiwan, gayundin ang Taiwan sa Estados Unidos.
Iginiit pa ni Xi na anumang hakbang ng taiwan para tuluyang humiwalay sa China ay hindi magtatagumpay.
—-