Hiwalay na makikipagpulong si Chinese President Xi Jinping kina South Korean President Moon Jae In at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Ito ay bago naman ganapin ang trilateral meeting nina Moon at Abe kay Chinese Premier Li Keqiang sa Chengdu sa China.
Bukod sa ilang usaping may kinalaman sa ekonomiya, inaasahang matatalakay rin ng tatlong mga lider ang muling tumataas na tensyon sa Korean Peninsula.
Kasunod na rin ito ng lumabas na ulat na pinulong ni North Korean Leader Kim Jong Un ang kanyang matataas na military officials para pag-usapan ang pagpapalakas sa kanilang military capability.