Muli na namang naispatan ang isang Chinese research vessel sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Ito ay kabila ng ipinatupad na ban ng gobyerno sa lahat ng research vessel ng France, Japan at China sa pagpasok sa katubigang sakop ng Pilipinas.
Sa post ng China maritime studies institute, nakita ang Chinese oceanographic ship na Zhang Jian na siya ring naglayag sa naturang dako noong August 3 hanggang 5.
Ayon kay Maritime Law Expert Jay Batongbacal, Director ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, ilang araw lamang nagpalamig sa labas ng EEZ ng bansa at muling pumasok dito para ipagpatuloy ang ginagawa nitong pagsusuri.
Sa post ng facebook group Karagatan Patrol, makikita ang Chinese survey ship sa layong 200 kilometro hilagang silangan ng Catanduanes noong August 22 at nakita rin sa baybayin ng Samar kahapon August 23.