Viral ngayon sa internet ang pagrampa ng mga Chinese stewardess sa artificial island na ginawa ng China sa West Philippine Sea.
Ipinakikita sa larawan ng mga Chinese stewardess ang natapos nang airfield sa Yongshu Reef para sa China at Kagitingan Reef para sa Pilipinas.
Matatandaan na 2 civilian flights ang pinayagan ng China na sumubok sa sa bagong gawang airstrip sa Fiery Cross Reef.
Rumampa sa airfield ang mga stewardess ng China Southern Airlines at Hainan Airlines na bumiyahe sa Fiery Cross Reef noong January 6.
By Len Aguirre