Nag courtesy call sa Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese Vice Premier Hu Chunhua.
Tinalakay sa pulong ng 2 opisyal ang implementasyon ng infrastructure projects na pino-pondohan ng China.
Nagpasalamat si Duterte kay Hu sa pagpunta sa bansa at ito aniya ay tanda nang lumalalim na ugnayan ng Pilipinas at China.
Samantala ipinabatid ng DFA na ang pagbisita ni Hu ay nagbigay daan din para talakayin ang mga usapin sa kalakalan, pamumuhunan, agrikultura at turismo lalo nat sa mga sektor na ito nakatalaga si Hu sa China.