Nakatakdang bumisita sa Maynila si Chinese Vice Premier Wang Yang bilang bahagi ng Trade at Investment Missions sa Pilipinas sa kalagitnaan ng Marso.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, kabilang sa mga lalagdaan ni Wang 1 Million Dollar donation ng Chinese Government para sa rehabilitation project sa mga naapektuhan ng lindol sa Surigao Del Norte;
1 Billion Dollar purchase agreement para sa agricultural products; 10 Billion Dollar business projects ng mga Chinese investor sa Pilipinas at six-year development program para sa economic and trade cooperation.
Ang developments anya sa economic cooperation ng Pilipinas at China ay resulta ng state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing noong Oktubre.
By: Drew Nacino