Ikakasal na nga ang Chinita Princess na si Kim Chiu.
Ngunit, kakaiba ang magiging kasal na ito dahil maliban sa matatapat ito sa undas o sa Nobyembre 1, ikakasal si Kim sa isang lalaki na patay na.
Ikakasal sa isang patay na lalakeng Chinese si Kim Chiu, ngunit ito ay sa pelikula niya lamang na Ghost Bride.
Ayon sa aktres, tiyak na magugustuhan ng mga Pilipino ang istorya ng kanyang pelikula lalo na ang mga nakakatakot at nakagugulat na mga eksena ng pelikula na talaga namang napapanahon.
Ang Ghost Bride ay bahagi ng kulturang Chinese kung saan ay hinahanapan ng babaeng mapapakasalan ang panganay na anak na lalaki kahit ito ay patay na.
Laking pasasalamat naman ni Kim sa pelikulang ito, dahil ito ang una niyang solong pelikula na kanyang pagbibidahan.
Undas 2017 || The Ghost Bride .⚰️
A post shared by Kimberly Sue Chiu (@chinitaprincess) on