Wala ng ibang hiling ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda matapos isilang ng kanyang asawa na si Neri Naig ang kanilang pangalawang anak.
Sa kanyang instagram account, ibinahagi ni Chito ang larawan ni Neri kasama ang kanyang dalawang anak.
Base sa kanyang caption, wala na siyang ibang mahihiling pa dahil kumpleto na ang kanyang buhay kasama ang kanyang mag-ina.
Bukod dito, pinuri pa ni Chito ang kanyang asawa dahil sa walang sawang pag-aaruga hindi lamang sa kanya kundi sa kanilang new born baby.
Ayon pa kay Chito, para lamang makapagpahinga ang kanyang asawa inaasikaso niya na lamang ang mga kailangan pang gawin at nililibang ang kanilang panganay na si Miggy para lamang makabawi ng tulog si Neri.
Matatandaang, ikinasal si Neri at Chito noong 2014 kung saan isinilang nila ang kanilang panganay na si Miggy noong 2016.