Nagkasundo na ang pitong (7) PBA Governors na huwag nang iendorso ang renewal of term ni PBA Commissioner Chito Narvasa.
Sa isang pulong na pinangunahan ni incoming PBA Chairman Ramoncito Fernandez ng NLEX Road Warriors sa league office sa Libis Quezon City, mayorya ng Board of Governors ang umatras sa pagsuporta kay Narvasa bilang commissioner.
Ito’y bunsod ng kontrobersya matapos aprubahan ni Narvasa ang trade sa pagitan ng San Miguel Beermen at KIA Picanto kung saan nakuha ng SMB ang 2017 number 1 draft pick na para sana sa KIA na si Christian Standhardinger kapalit nina Ronald Tubid, Jay-R Reyes at Rashawn McCarthy at isang 2019 first round draft pick.
Umani ng batikos ang nabanggit na trade lalo sa iba pang team at basketball fans dahil hindi umano ito patas para sa Picanto.
Aminado si Fernandez na hindi na issue ang trade bagkus nawalan na sila ng kumpiyansa kay Hernandez.
—-