Kinumpirma ni Senator Chiz Escudero na mayroon na silang pormal na pag-uusap ni Sen. Grace Poe, hinggil sa 2016 elections.
Pero nilinaw ni Escudero na wala pa silang nabubuong desisyon at mangangailangan pa sila ng mas mahabang panahon, para makapagpasya.
“Hindi lang po casual may seryosong pag-uusap na din po subalit wala pang desisyon o pasya, siguro mas may karapatan kami na bigyan ng mas mahabang panahon dahil nga indipendiyente kami, wala kaming pera at wala kaming partido o grupo sa buong bansa, hindi tulad ng may mga partido at pera diyan, siguro mas dapat na magpasya, mag-desisyon at mag-anunsyo.” Ani Escudero.
Binigyang diin din ni Escudero na walang sinumang kandidato o partido ang mayroong monopolya sa mga kakayan para maisulong ang mga programa na para sa ikabubuti ng bansa.
“Walang iisang tao o iisang partido ang nagmamay-ari ng lahat ng talent, galing at dunong at magandang intensyon para sa ating bansa, huwag naman sana nating isipin lalo na ng anumang partido na sila lang ang may kakayahang gumawa niyan.” Paliwanag ni Escudero.
Boses Ni Juan
Nagpasalamat si Sen. Chiz escudero, sa tiwalang ipinapakita ng publiko.
Ito ay matapos pumangalawa ni Escudero sa pagka-Bise Presidente, sa survey ng DWIZ na Boses ni Juan.
Ipinaliwanag ni Escudero na bagamat nagpapasalamat siya sa mataas na rating, hindi naman ito ang magiging basehan, kung sino ang dapat iboto sa eleksyon.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit