Hinamon ni Senador Francis Escudero ang Department of Social Welfare and Development o DSWD na ipagpatuloy ang pagtulong sa mga palaboy at street dwellers kahit tapos na ang APEC Summit.
Ito’y ayon sa senador ay upang patunayan na hindi ningas kugon o di kaya’y pakitang tao lamang ang ginagawa nitong pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino.
Sinabi ng senador, babalik pa rin sa kalsada ang mga street dwellers at mga palaboy kahit ano pang gawing tago sa mga ito ng gobyerno kaya’t dito masusubukan ang sinseridad ng nasabing kagawaran.
Mabubura aniya sa ganitong paraan ang impresyon hindi lamang ng mga Pilipino kundi maging ng mga banyaga na nililinis lamang ang mga kalsada mula sa mga palaboy kapag may mga dumarating na importanteng okasyon o bisita.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)