Umapela si Senator Chiz Escudero sa gobyerno na huwag lang basta taasan ang suweldo ng mga empleyado ng gobyerno bagkus ay ibaba mismo ang kinokolektang income tax rate.
Ayon kay Escudero, sa ganitong paraan hindi lamang mga government employees kundi maging ang mga nasa pribadong sektor ay makikinabang dito.
Aniya, ang ipinapataw na 32 percent income tax ang siyang pinakamalaki sa Southeast Asia.
Matatandaang inindorso na ni Pangulong Benigno Aquino III sa Kogreso ang panukalang batas na Salary Standarization Law of 2015 na magbibigay ng mas mataas na kompensasyon sa mga opisyal at ilang mga empleyado ng gobyerno.
By Rianne Briones