Nagbitiw na si Senador Francis “Chiz” Escudero, bilang Chairman ng Committee on Finance, at co-Chairman ng Joint-Congressional Oversight Committee on Public Expenditures.
Ayon kay Escudero, ito ay upang matiyak na hindi mababahiran ng pulitika ang budget deliberation para sa proposed 2016 budget.
Naniniwala si Escudero na ito ang tamang gawin, lalo na at una nang lumabas ang balitang siya ay tatakbo bilang Bise Presidente sa 2016 elections.
Tiniyak naman ni Senator Chiz Escudero na lalahok pa din siya sa budget deliberations kahit nagbitiw na siya sa pagka-Chairman ng Senate Committee on Finance.
Ayon kay Escudero, ito ay upang matiyak na mapapanatili sa ipapasang budget ang safeguards na kanilang inilagay laban sa DAP at PDAF.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)