Pinuri ng kampo ni Senadora Grace Poe ang Korte Suprema matapos pagtibayin ang mga temporary restraining order o TRO sa mga resolusyon na nagkakansela sa kanyang certificate of candidacy (COC).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Senator Chiz Escudero, running mate ni Poe, malaking bagay na 12 mahistrado ang bumoto upang kumpirmahin ang dalawang TRO na ipinalabas ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong December 2015.
Ipinahiwatig din ni Escudero na ang epekto nito ay maituturing na valid ang COC ng senadora at mananatili itong kasama sa listahan ng mga kandidato sa pagka-pangulo.
“Pabor man o kontra atleast may sapat pong panahon, ang pinakamahirap din po siguro ay kung isang araw na lamang bago mag-eleksyon, sana ito pong Pebrero at Marso, lumabas na po ang pasya ng korte, kaliwa man o kanan, pabor man o kontra, sana po maliwanangan tayong lahat sa isyu.” Pahayag ni Escudero
By Jelbert Perdez | Karambola
4 comments
Yes, let the Supreme Court decide with finality and surely, all of us will respect it. Go Senator Poe! We will always support you.
Alam namin magiging patas ang desisyon ng korte suprema. Go Senator Poe!
Katulad ni Senator Chiz Escudero, kami po ay umaasa na sana magkaroon na ng pasya ang SC sa dq cases against Senator Poe. Umaasa man kami ng positive na reulta ay igagalang pa rin namin ang pasya ng ating Korte Suprema. Go Senator Poe!
Katulad ni Senator Chiz Escudero, kami po ay umaasa na sana magkaroon na ng pasya ang SC sa dq cases against Senator Poe. Umaasa man kami ng positive na reulta ay igagalang pa rin namin ang pasya ng ating Korte Suprema. Go Senator Poe! We believe in you.