Kumpiyansa si Senator Chiz Escudero na marami pa rin ang naniniwala sa kanilang tandem ni Senator Grace Poe.
Kasunod ito ng pangunguna ni Escudero sa pinakabagong vice presidential survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS).
Ayon kay Escudero, hindi lamang ito positibong balita sa kanya kundi maging kay Poe na nahaharap sa diskwalipikasyon.
Kung nanguna si Escudero sa latest survey, bahagya naman bumaba si Poe sa SWS survey kung saan naka-tie pa niya sa unang puwesto si Vice President Jejomar Binay habang naungusan naman ni Binay si Poe sa Pulse Asia survey.
By Rianne Briones