Nakasungkit ng gintong sa 20th ASEAN University games ang pambato ng Pilipinas na si Chloe Isleta.
Nagposte ang 24 anyos na swimmer ng 2:17.36 sa women’s 200-meter backstroke event na ginanap sa Ubon Ratchathani, Thailand.
Mababatid na mula si ISLETA sa gold medal performance rin sa 31st Southeast ASIAN games 2022 sa Hanoi, Vietnam nitong Mayo.
Samantala, nakamit naman ni Fonpray Yamsuan ng Japan ang silver medal at naibulsa ni Azzahra Permatahani ng Indonesia ang bronze medal.