Lalo pang lumala ang cholera outbreak sa Tacloban City nang sumampa sa 426 ang naitalang kaso noong Miyerkules kumpara sa 192 na naitala noonh October 26.
Ayon kay Department of Health (DOH) Eastern Visayan Information Officer Jenny Lopez-Malibago, 213 sa apatnaraang pasyente ay isinugod sa ospital,
Naitala rin ang limang pagkamatay kung saan kabilang dito ang isang tatlong buwang sanggol at isang 71 gulang na lalake.
Kabilang naman sa mga apektadong barangay ang Sto. Nino, Abucay, Calvary Hill, Palanog, San Roque, Diit and New Kawayan; the Downtown Area, San Jose District, Utap at Calanipawan.
Ayon pa sa opisyal, ang mga may hinihinalang cholera ay nakakuha ng sakit sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig o pagkain ng mga pagkaing kontaminado ng bacteria na e-coli.
Nagpaalala naman si Malibago sa mga residente na pakuluan muna ang inuming tubig kung hindi sigurado sa kaligtasan nito upang makaiwas sa pagkakaroon ng cholera.—mula sa panulat ni Hannah Oledan
previous post