Bagama’t hindi nakalusot sa quarterfinals, nakabawi naman ang Chooks-To-Go Pilipinas.
Ito’y matapos gibain ang Shabab Al Ahli ng Dubai, 92-57, sa classification phase ng FIBA Asia Champions Cup na ginanap sa Chenzhou Sports Complex sa Chenzhou, China.
Kumamada si Kiefer Ravena ng 20 points, six boards at isang assist habang nagdagdag si Almond Vosotros ng 14 points at 12 points naman mula kay LA Revilla.
Nahirapan naman ang Shabbir dahil pitong manlalaro lamang ang naipasok nito kung saan tanging si Qais Omar Alshabebi ang nakaiskor ng double-digits.
Makakasagupa naman ng Pilipinas ngayong araw ang Mono Vampire ng Thailand para sa ika-limang puwesto.
—-