Nalasap ng Chooks-To-Go Pilipinas ang una nitong pagkatalo sa 2017 FIBA Asia Champions Cup.
Lumagpak ang Pilipinas sa kamay ng Sareyyet Ramallah Palestine sa score na 89-82 sa kanilang paghaharap sa Chenzhou Sports Center sa Chenzhou, China.
Hindi nakapalag ang Philippine Team sa opensiba nina Jamal Abu-Shamalah at mga import Todd O’brien at Anthony Weeden na may pinagsamang 63 points para sa Palestine.
Nagpakawala naman ng 24 points sina Kiefer Ravena at 18 points si Jeron Teng habang nag-ambag ng 17 points at 18 rebounds ang 7 foot 1 import na si Isaiah Austin para sa Pilipinas.
Samantala, tatangkaing bumawi ng Pilipinas sa ikatlong game laban naman sa Mono Vampire ng Thailand, mamaya.
SMW: RPE