Bumagsak ang chopper na sinasakyan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Archie Gamboa sa Laguna ngayong umaga ng Huwebes, ika-5 ng Marso.
BREAKING: Helicopter na sinasakyan ni PNP chief Archie Gamboa, bumagsak sa City of San Pedro, Laguna; Gamboa, ligtas | Antabayanan ang detalye https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/hcy9Wa2lO1
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 5, 2020
Batay sa ulat, sugatan ang hepe ng Pambansang Pulisya kasama ang dalawang (2) piloto at apat (4) na iba pa.
Nakatakda sana umanong magtungo sina Gamboa sa Camp Vicente Lim para sa isang scheduled command visit.
Agad namang isinugod sina Gamboa at 6 na kasama pa sa Asian Hospital at West Lake Medical Center sa San Pedro, Laguna.
Batay sa paunang imbestigasyon, kabilang sa mga opisyal na kasama ni PNP chief Gamboa sa chopper ay sina Major General Mariel Magaway, Major General Jose Maria Victor Ramos at Police Brigadier General Bernard Banac.
This is a developing story. Please refresh page for updates.