Itinanghal bilang “Coach of the Year” sa PBA Press Corps Awards Night ang coach ng TNT Tropang Giga na si Chot Reyes.
Sa ginanap na aktibidad sa Novotel Manila Araneta Center naiuwi ni Reyes ang nasabing parangal laban sa 14 pang awardees kabilang na si Barangay Ginebra Coach Tim Cone.
Dumalo sa nasabing face-to-face awards night si PBA Chairman Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial kasama ang iba pang PBA officials, staff at coaches.
Nabatid na ito na ang ikatlong beses na ginawaran si Reyes matapos masungkit ang unang award nito noong 2011.