Nanawagan ang Commission on Human Rights o CHR sa pamahalaaan na madaliin na ang pagresolba sa kaso ng tatlong foreign missionaries na kasalukuyang nakakulong sa Pilipinas.
Binigyang diin ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, maging ang mga dayuhan na nananatili sa bansa ay may karapatan na maipagtanggol ang sarili alinsunod sa batas at due process.
Ayon kay De Guia, nananatiling “indefinite” ang pagkakakulong ng misyonaryo mula sa Zimbabwe na si Tawanda Chandiwana sa Camp Bagong Diwa matapos itong arestuhin noong Mayo ngayong taon habang dumadalo sa isang seminar sa Mindanao.
Samantala, hawak pa rin hanggang sa ngayon ng Bureau of Immigration o BI ang pasaporte ng misyornaryo mula sa Malawi na si Miracle Osman at ng amerikanong si Adam Thomas Shaw.
—-