Isa rin ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga biktima ng online delivery scam.
Sinabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann De Guia na noong November 22 ay ilang tawag ang kanilang natanggap hinggil sa food deliveries kahit wala sa kanilang mga empleyado ang nag-book o umorder ng mga ito.
Aniya, nakapangalan ang food delivery sa isang commissioner ng CHR at ginamit rin ang kanilang hotline number at public email address.
Nagbabala naman si De Guia sa mga gumagawa ng naturang scam at mga prank at sinabing isipin rin ang kapakanan ng mga nagtatrabaho na nagsisikap upang makaahon ngayong may pandemya.
Nakikipag-ugnayan na aniya ang CHR sa mga awtoridad hinggil sa insidente. —sa panulat ni Hya Ludivico