Sumampa na sa 52 ang mga naitatalang karahasan na may kinalaman sa halalan.
Kabilang dito ayon sa Commission on Human Rights o CHR ang 14 na pagpatay mula nang magsimula ang election period noong Enero.
Ayon kay Atty. Gemma Parojinog, OIC ng CHR Human Resources Policy Office, maliban sa pagpatay, sakop din ng nasabing bilang ang harassment, frustrated murder at attempted murder.
Subalit dalawa lamang aniya mula sa kabuuang bilang naihaing kaso sa prosecutor’s office partikular sa mga lalawigan ng Bulacan at Batangas.
Gayunman, sinabi ni Atty. Parojinog na may hinihintay pa silang 26 na kaso mula sa kanilang mga regional offices.
By Jaymark Dagala