Binalaan ng Commission on Human Rights (CHR) ang gobyerno laban sa red-tagging sa ilang indibidwal.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, hindi nila saklaw ang pagsisiyasat kung sino talaga ang komunista at hindi ngunit nalalagay aniya sa alanganin ang buhay ng mga isinasangkot ng gobyerno rito.
Giit ni De Guia walang mali sa pagkakaroon ng makakaliwang idelohiya kung ito naman ay hindi nauuwi sa karahasan.
Ginawa ng CHR ang nasabig reaksyon matapos na tukuyin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilang mambabatas umano ang “legal fronts” ng mga rebeldeng komunista.