Binatikos ng Malakanyang ang Commission on Human Rights dahil sa pagiging “selective” sa mga kasong hinahawakan at iniimbestigahan.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na kapansin-pansin na kapag pulis o sundalo ang napatay ng mga kriminal habang ginagampanan ang tungkulin ay hindi nag-iimbestiga ang CHR.
Idinagdag pa ni Panelo na ang tanging interes ng CHR ay mga miyembro ng Abu Sayyaf Group na napatay, extra judicial killings at mga kritikal.
Matatandaang inihayag ng CHR Region 7 na iimbestigahan nila ang napatay na Abu Sayyaf sa Bohol dahil sa paniwalang sinadyang itinumba ng mga pulis ang bandido at hindi ito nagtangkang mang-agaw ng baril gaya ng naging pahayag ng mga otoridad.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping