Nakatakdang busisiin ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbawi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa amnesty na ibinigay kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon, interesado sila sa nasabing usapin at pag aaralan nila ang mga implikasyon dito.
Ang alam aniya nila ay bilang isang constitutional office mayruong mga requirements para mabigyan ng amnesty, may proseso at mga aspeto nito na naaayon sa konstitusyon.
Binigyang diin ni Gascon na hindi u ubrang bawiin ang amnesty kung naibigay na ito sa isang indibidwal.
Sinabi pa ni Gascon na kailangan ding dumaan sa pagbusisi ng kongreso ang ibinigay na amnesty at dumaan ito sa tamang proseso bago naipagkaloob kay Trillanes nuong panahon ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.