Pinalagan ng CHR o Commission on Human Rights ang bagong komento ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay CHR Commissioner Chito Gascon.
Matatandaang sa isang speech, tinanong ng Pangulo kung pedophile ba si Gascon dahil umano sa pagkahumaling nito sa pagtutok sa kaso ng mga napapatay na kabataan.
Nanindigan si CHR Commissioner Gwen Pimentel – Gana na hindi isang pedophile si Gascon.
Hindi aniya maaaring pangatwiranan na ang ginawang pagtawag ng Pangulo kay Gascon na pedophile ay isa lamang metaphor na madalas na nagiging depensa ng Malacañang.
Sinabi naman ni CHR Spokesperson Atty. Jackie de Guia, tila inililihis ng Pangulo ang atensyon ng publiko mula sa mga kritikal na isyu ng karatapang pantao sa bansa.
Aniya, ang naging komento ng Pangulo ay pagpapakita lamang ng kawalang respeto nito sa dignidad ng tao.
Kailangan aniyang maunawaan ng publiko na ang pagpatay sa mga bata ay isyung dapat na isaisip ng lahat dahil ang mga bata ay nangangailangan ng proteksyon ng estado.
—-