Pinagreresign ng isang opisyal ng gobyerno si Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon.
Sinabi sa DWIZ ni DILG Asst. Secretary Epimaco densing na hindi angkop ang ginagawa ni Gascon sa mandatong dapat nitong gampanan.
Kagaya na lamang aniya ng ipinagwawagwagan ni Gascon na 7000 na ang napatay sa anti-drug operations gayong batay sa record ng Philippine National Police ay nasa 2000 lamang.
Nagbabanggit aniya si Gascon ng mga numero pero hindi naman mapatunayan, gayondin ang ipinangangalandakan na mayroong human rights violations pero hindi naman nito maipakita.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay DILG Asst. Secretary Epimaco
Gayonman aminado si Densing na mahirap mapaalis si Gascon dahil mayroon itong fixed term na anim na taon.
By: Aileen Taliping