Hindi pabor si House Speaker Pantaleon Alvarez na bigyan ng budget ang Commission on Human Rights sa susunod na taon.
Ito, ayon kay Alvarez, ay dahil sa hindi magandang performance ng C.H.R. na hindi na natigil sa pagbatikos sa anti-illegal drugs campaign ng Duterte Administration.
Binatikos din ng mambabatas ang komisyon sa tila pagtatanggol sa karapatan ng mga kriminal sa halip na ang tutukan ang mga tunay na biktima.
Tahimik anya ang CHR kapag may insidenteng kinasasankutan ang mga durugista tulad ng massacre pero kapang pulis ang nakapatay ng mga adik ay nagdududa ang komisyon.