Kinuwestiyon ng ilang senador ang posisyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa tila pagpanig nito sa mga napapatay na kriminal kaysa sa mga biktima.
Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang halos P9-milyon 2020 budget ng CHR, tinanong ni Sen. Bong Go kay CHR chair Chito Gascon kung ano ang mas mahalaga sa kanila, ang buhay ng inosenteng Pilipino o ang buhay ng mga kriminal.
Ipinunto naman ni Sen. Pres. Tito Sotto kay Gascon na kapag ang isang tao ay nakagawa ng isang karumaldumal na krimen, parang isinuko na rin nito ang kaniyang karapatang pantao.
Binigyang diin naman ni Sen. Panfilo Lacson, finance committee vice chairman, ang pagbibigay umano ng CHR ng atensyon sa lahat ng biktima ng krimen ngunit karamihan lamang sa kanilang trabaho ay hindi lumalabas sa publiko.