Kinundena ng CHR o Commission on Human Rights ang nangyaring pagkamatay ng hazing victim at UST Law Freshman na si Horacio Atio Castillo III.
Sa isinagawang joint hearing ng Senado kagabi, sinabi ni Atty. Gemma Parojinog na gumagawa na sila ng hiwalay na imbestigasyon hinggil sa kaso ni Atio.
Bagama’t kinikilala ng CHR ang kalayaan ng bawat isa na sumali sa alinmang uri ng grupo o samahan, dapat isaalang-alang ang karapatan ng bawat isa na mabuhay nang hindi sumasailalim sa anumang uri ng pang-aabuso maging pisikal man o pang-kaisipan.
Ulat ni Cely Bueno