Nakahanda ang CHR o Commission on Human Rights na tulungan ang pamilya ng 17 anyos na binatilyong nasawi sa isang anti-drug operation sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Ayon kay CHR Spokesperson Jackie De Guia, wala pang kumpirmasyon kung lumapit na sa kanilang tanggapan ang pamilya ng binatilyo.
Gayunman sinabi ni De Guia na maaari pa rin silang magsagawa ng motu propio investigation sa insidente bilang isa sa mandato ng komisyon na tulungan ang sinumang biktima ng pang-aabuso.
Magugunitang, kabilang ang Grade 11 na estudyanteng si Kian Loyd Delos Santos sa mga nasawi sa isinagawang Oplan Galugad ng pulisya sa Barangay 160 noong Miyerkules ng gabi matapos umano manlaban.