Binigyang diin ni Commission on Human Rights (CHR) chair Chito Gascon sa ilang senador na hindi law enforcement institution ang CHR.
Sa deliberasyon ng 2020 budget ng ahensya, ipinaliwanag ni Gascon na ang ahensya ay isang monitoring agency kung saan mandato nito na ipaalala sa state agents na kailangan ng mga ito na sumunod sa batas.
Una rito, kinuwestiyon ng ilang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang CHR sa tila umano’y mas pagpapahalaga ng ahensya sa mga napapatay na kriminal sa halip na panigan ang mga inosenteng biktima.